Katawan ng nawawalang football player natagpuan sa crash site sa Southern England

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 08, 2019 - 10:26 AM

Isang katawan ang nakita ng mga British investigators, na kinumpirmang si Emiliano Sala, isang footballer na lulan ng eroplanong nawala noong nakaraang linggo.

Nakita ng mga rescuers ang katawan ni Sala sa isang remotely operated vehicle (ROV) noong linggo malapit sa lugar kung saan nawala ang eroplanong sakay nito.

Narekober noong araw ng miyerkules ang bangkay ng footballer at agad idinala sa Portland port at isinakay sa Geo Ocena III supply ship noong huwebes para isagawa ang formal identification sa katawan ng biktima sa Britain.

Matatandaang ang eroplanong sakay ang 28 year old footballer ay patungo sana noon para sa Premier League Team sa Cardiff City nang bigla na lang nawala ito malapit sa Guernsey noong January 21, kasama ng 59 year old na piloto.

Kinalungkot ng boung footballing world noong nabalitaan ang insidenteng ito.

Ang ama naman ng biktima na si Horacio Sala ay nawalan ng pag-asang makikitang buhay ang kaniyang anak.

TAGS: Emiliano Sala, Football Player, plane crash, southern england, Emiliano Sala, Football Player, plane crash, southern england

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.