Diokno hindi sinipot ang pagdinig sa Kamara sa kabila ng subpeona
Hindi dumating si Budget Sec. Benjamin Diokno sa pagdinig ng House Appropriations Committee ngayong Biyernes ng umaga sa kabila ng subpeona na ipinadala sa kaniya kahapon.
Ayon sa statement ng Department of Budget and Management (DBM), hiniling ni Diokno sa pamamagitan ng pagliham kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na i-takda sa ibang araw ang hearing.
Ito ay dahil kahapon lang ng umaga inilabas ang subpeona kay Diokno.
Iginiit ni Diokno na bagaman handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara ay may karapatan ng DBM officials at staff sa proper notice at patas na pagdinig.
Sinabi ni Diokno na alas 11:00 ng umaga kahapon ng dumating sa DBM office ang kopya ng subpeona.
At dahil ngayong umaga na ang hearing wala siyang sapat na panahon para maihanda ang mga kailangan para sa pagdinig.
Sinabi ni Diokno na sa ilalim ng rules ng Kamara partikualr ang Section 8 (3) ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ang subpeona ay dapat maipadala tatlong araw bago ang nakatakdang hearing.
Hiniling din ni Diokno kay House Speaker Arroyo na mabigyan siya kopya ng list of questions para sa pagdinig.
Tiniyak naman ng DBM na isusumite ngayong araw sa Committee on Appropriations ang kopya ng mga dokumentong hinihingi para magamit bilang reference sa hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.