Nasawi sa tigdas sa San Lazaro Hospital, umakyat na sa 60

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 10:07 AM

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi dahil sa tigdas sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Kinumpirma ni Dr. Ferdie De Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital na tatlo pang bata ang nasawi, Huwebes ng gabi.

Dahil dito, mula sa 57 ay sumampa na sa 60 ang mga nasawing bata na edad 5 taong gulang pababa.

Isa pang bata ang kritikal ngayon ang kondisyon sa naturang pagamutan.

Base naman sa huling datos, Biyernes ng umaga ay nasa 257 na ang kaso ng mga batang may tigdas sa San Lazaro Hospital.

TAGS: Measles, Radyo Inquirer, San Lazaro Hospital, Measles, Radyo Inquirer, San Lazaro Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.