Nawawalang Cessna plane lulan ang isang Indian pilot at kaniyang estudyante, natagpuan sa Bataan
Natagpuan sa Hermosa, Bataan ang isang Cessna plane na unang iniulat na nawawala habang pabalik ng Plaridel, Bulacan noong Lunes, Feb. 11.
Nakita ang two-seater Cessna C-152 training aircraft na pag-aari ng Fliteline Aviation School bayan ng Hermosa.
Ayon kay Bataan police provincial director Sr. Supt. Marcelo Dayag, ikinasa ang search operation matapos iulat ang pagkawala ng naturang Cessna plane.
Ang Cessna plane ay natagpuan ng mga tauhan ng volunteer mula sa Quadcopter Philippines isang drone group na tumulong sa paghahanap.
Nakita ang mga bahagi ng aircraft sa kabundukan ng Malapat na Bato, Gasak Mabiga Hulo.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng retrieval operations ang mga otoridad sa lugar.
Lulan ng naturang Cessna plane ang Indian National na Instructor pilot at kaniyang student pilot na isa ring Indian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.