Sa ulat ng The West Australian, ang nasabing residente ng Perth ay bumiyahe sakay ng Singapore Airlines flight noong Jan. 29, 2019.
Nakasaad sa babala na ang mga malalantad sa sakit na tigdas ay delikado ang kalusugan lalo na kung hindi sila nabakunahan.
Binanggit din sa abiso na ang mga pasahero na nasa parehong flight noong araw na iyon, kabilang ang mga bumista sa Coles at Raine Square noong umaga ng January 30 ay pinapayuhang suriing mabuti ang sarili hinggil sa sintomas ng tigdas hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Ayon sa Department of Health (DOH) maaring wala pang sintomas ng sakit ang bata nang umalis ito sa Pilipinas noong Jan. 28 at ang sintomas ay lumitaw na lang nang sya ay na sa Australia na.
Sinabi ng World Health Organization na ang mga sintomas ng tigdas ay tumatagal ng 10 hanggang 12 araw bago maramdaman.
Kabilang dito ang mataas na lagnat, runny nose, at rashes sa katawan.