Australia nag-isyu ng warning sa mga mamamayan matapos magka-tigdas ang isang residente na galing Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 08:38 AM

Nagpalabas ng measles warning ang health department sa Western Australia sa mga mamamayan nila matapos na isang residente sa Perth ang nahawa ng tigdas habang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Sa ulat ng The West Australian, ang nasabing residente ng Perth ay bumiyahe sakay ng Singapore Airlines flight noong Jan. 29, 2019.

Nakasaad sa babala na ang mga malalantad sa sakit na tigdas ay delikado ang kalusugan lalo na kung hindi sila nabakunahan.

Binanggit din sa abiso na ang mga pasahero na nasa parehong flight noong araw na iyon, kabilang ang mga bumista sa Coles at Raine Square noong umaga ng January 30 ay pinapayuhang suriing mabuti ang sarili hinggil sa sintomas ng tigdas hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Ayon sa Department of Health (DOH) maaring wala pang sintomas ng sakit ang bata nang umalis ito sa Pilipinas noong Jan. 28 at ang sintomas ay lumitaw na lang nang sya ay na sa Australia na.

Sinabi ng World Health Organization na ang mga sintomas ng tigdas ay tumatagal ng 10 hanggang 12 araw bago maramdaman.

Kabilang dito ang mataas na lagnat, runny nose, at rashes sa katawan.

TAGS: Australia warning, Health, Measles, perth, philippines, Radyo Inquirer, Australia warning, Health, Measles, perth, philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.