45 bahay natupok sa magkahiwalay na sunog sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 08:13 AM

CDN Photo | Benjie Talisic

Aabot sa 45 mga bahay ang tinupok ng apoy sa dalawang sunog na sumiklab sa magkahiwalay na barangay sa Cebu City.

Unang naganap ang sunog sa Barnagay Tinago sa Cebu City alas 2:30 ng madaling araw.

Umabot sa 15 bahay ang nasunog sa nasabing lugar at umabot sa 30 minuto ang sunog bago naideklarang under control.

Habang abala pa ang mga tauhan ng Cebu City Fire Department sa tuluyang pag-apula ng apoy sa Barangay Tinago ay isa na namang sunog ang sumiklab sa ibang barangay.

Alas 4:34 ng madaling araw, sumiklab ang apoy sa Sitio Paradise 2 sa Barangay Kinasang-an.

Ayon kay Fire Chief Inspector Noel Nelson Ababon, umabot sa 30 bahay naman ang natupok sa ikalawang insidente ng sunog.

Sa bahay ng isang Victor Nadera nagsimula ang apoy, at naideklarang under control ang sunog alas 5:17 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng dalawang sunog at ang dami ng mga naapektuhang residente.

TAGS: Cebu City, fire incident, Radyo Inquirer, Cebu City, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.