Walong entries mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 2019 New York Festivals “World’s Best TV and Films” competition.
Tatlo sa mga entry ay mula sa ABS-CBN at lima naman ang mula sa GMA 7.
Ang mga nominado ay kinabibilangan ng sumusunod:
– Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), para sa kanilang “Salay” feature na kabilang sa Community Portraits category.
– I-Witness na may dalawang nominasyon sa Current Affairs category para sa kanilang “War Zone ER” documentary ni Sandra Aguinaldo at “Bilanggo ng Isipan” documentary ni Kara David.
– Pang-apat ang “The Atom Araullo Specials para sa episode na No Leftovers” ng GMA na nominado sa Social Issues category.
– Pasok din ang Reel Time episode na “Batang Maestro” ng GMA News TV na moninado naman sa Heroes category.
– Pasok naman ang Mission Possible: “Kapit lang Anak” (Hold on, my Child) ng ABS-CBN na nominado sa Best Public Affairs Program category.
– Gayundin ang The “Elsa and Sarah” plug para sa Mission Possible: “Kapit lang Anak” episode na nominado naman sa Station/Image Promotion category.
– At ang Local Legends: Karne Norte episode ng ABS-CBN na pasok sa Biography/Profiles category.
Ang New York Film Festival ay 17-day festival na taunang ginaganap mula katapusan ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre sa pangunguna ng Film Society of Lincoln.
Ang festival na ito na nagpapakita ng mga pelikula at mga palabas na masusing pinipili mula sa mga bago at batikang manlilikha.