Patay sa gumuhong gusali sa Istanbul umabot na sa 10

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 06:39 AM

Reuters Photo

Umakyat na sa 10 katao ang nasawi sa gumuhong walong palapag na gusali sa Istanbul.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 13 katao na nasugatan.

Ang residential building sa Kartal district ay nag-collapse noong Miyerkules.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagguho nito.

Sinabi ni Governor Ali Yerlikaya na may mga nakukuha pang katawan ng mga natabunan sa gusali.

Nasa 43 katao ang nakarehistrong residente sa gusali, pero ang tatlo pang palapag sa iataas na bahagi ay ilegal umanong idinadagdag kaya maaring may mga hindi nakareshitrong residente nito.

TAGS: apartment building, Istanbul, Kartal district, Radyo Inquirer, apartment building, Istanbul, Kartal district, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.