Lalaking nanuhol sa pulis at 9 na iba pang dawit sa ilegal na droga arestado sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 06:27 AM

Arestado ang isang lalaki dahil sa tangka nitong panunuhol sa mga tauhan ng Manila Police District.

Ayon kay Supt. Ruben Ramos ng Sta. Mesa Police Station, sinamahan ng 29 anyos na si alyas Ismael ang kaniyang kakilala na si alyas Habi na naaresto ng mga otoridad dahil sa ilegal na droga.

Sa loob ng istasyon ng pulisya, inabot ni Ismael ang P90,000 sa pulis na umaresto kay Habi.

Ani Ramos, mabilis na nakapag-produce ng pera si Ismael para ihirit ang pagpapalaya kay Habi kaya hinala nila na may malaking source ng pera ang kampo nito.

Si Habi ay kabilang sa siyam na iba pang drug suspect na naaresto ng Sta. Mesa police sa ikinasang magkakasunod na operasyon.

Umabot sa 14 na sachet ang nasabat ng mga otoridad sa nasabing operasyon.

TAGS: manila, Radyo Inquirer, sta mesa, War on drugs, manila, Radyo Inquirer, sta mesa, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.