Año: Pagsabog sa Jolo, Sulu, case solved na

By Len Montaño February 08, 2019 - 04:57 AM

Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na maituturing ng case solved ang mga pagsabog sa Jolo, Sulu dahil sa pagsuko ng 5 pangunahing suspek.

Ayon kay Año, nakilala na ang mga nagpasabog, nasa kustodiya na sila ng pulisya at kinasuhan na.

Ang 5 suspek ay sinampahan na ng 23 counts ng murder, 95 counts ng frustrated murder at damage to property.

Patuloy naman anya ang pagtugis sa iba pang kasabwat ng 5 suspek.

Nasa 14 pang kasabwat ang subject ng hot pursuit ng mga otoridad.

Kinumpirma rin ng kalihim na ang mga nagpasabog ay ang mag-asawang Indonesian na hanggang ngayon ay tinutukoy pa ang pagkakilanlan.

TAGS: DILG Sec. Eduardo Año, Indonesian suicide bombers, Jolo twin blasts, pagsabog, DILG Sec. Eduardo Año, Indonesian suicide bombers, Jolo twin blasts, pagsabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.