Budget deliberations tatapusin ng Senado sa December 8
Maagang pinasimulan kanina ng Senado ang deliberasyon para sa pambansang budget sa 2016 dahil target nila itong matapos sa December 8.
Unang isinalang sa delibersasyon sa muling pagbubukas ng sesyon makaraan ang All Saints’ Day at APEC break ay ang budget ng Office of the President, Office of the Vice-President, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Department of Transportation and Communications, Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources.
Bago matapos ang araw na ito ay inaasahan din na maisasalang ang budget para sa Department of Public Works and Highways, Department of Agrarian Reform, Department of Health, Department of Foreign Affairs, Commission on Audit at Department of Social Welfare and Development.
Target ng Senado na mailusot ang panukalang budget ng nasabing mga ahensya sa November 26 samantalang sa November 28 hanggang sa December 1 naman ay inaasahang mapa-plantsa ito sa Bicameral Conference.
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na kapag walang aberya ay matatapos nila ang trabaho sa December 8 at bago mag-pasko ay malalagdaan na ito ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.