WATCH: Enrile, isusulong ang pagpasok ng dayuhang kapital at ang amyenda sa Train law

Isusulong ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na buksan ang Pilipinas sa dayuhang kapital kapag nakabalik ito sa Senado matapos ang eleksyon sa Mayo.

Sa kanyang programa sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 television, sinabi ni Enrile na kulang ang bansa sa kapital na maglilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino na walang trabaho.

Kasabay nito ay ipapanukala ni Enrile ang amyenda sa Train law partikular ang mapababa ang buwis para mas malaki ang maiuwing kita ng mga nasa lower income group.

Dagdag paliwanag ni Enrile, dapat mabalanse o mabawasan ang binabayarang buwis ng mga Pinoy na may mababang kita.

Sa pamamagitan anya nito ay mas malaki ang maiiwang pera ng publiko na pambili ng pagkain, gastos sa edukasyon at iba pa.

Read more...