Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.3 na lindol ang naitala sa layong dalawang kilometro Hilagang Kanluran ng bayan ng Capoocan sa Leyte kaninang alas-12:29 ng hatinggabi.
May lalim itong isang kilometro.
Kanina namang alas-2:53 ng umaga, isang magnitude 3.4 na pagyanig ang naganap sa layong 108 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Sta. Ana sa Cagayan.
May lalim naman itong 19 na kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang kasunod pang mga pagyanig o aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES