Drug suspect, patay sa enkwentro sa pulisya sa Bulacan

By Rhommel Balasbas February 08, 2019 - 03:50 AM

Nauwi sa engkwentro ang buy bust operation na ikinasa ng Bulacan Police laban sa isang drug suspek sa Brgy. San Pedro, San Jose Del Monte City Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasa sila ng operasyon laban kay Johnson Milliama na kabilang sa drug watchlist ng baranggay at maging sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gayunman, nakahalata ang suspek na undercover agents ang kanyang katransaksyon kaya’t agad nitong inilabas ang kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng suspek.

Narekober sa crime scene ang sumpak na ginamit ng suspek at inaalam pa ang halaga ng droga na nakuha mula rito.

TAGS: Bulacan Police, drug watchlist, enkwentro, PDEA, Bulacan Police, drug watchlist, enkwentro, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.