Drilon: Publiko dapat bantayan ang implementasyon ng 2019 budget

Hinikayat ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang publiko na bantayan ang implementasyon ng 2019 national budget dahil sa umanoy laman nitong pork barrel.

Ngayong araw inaasahang malalagdaan at mararatipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang 2019 budget.

Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na mayroong halos P160 milyon na alokasyon kada kongresista ang hindi tinanggal sa naganap na bicameral conference committee meeting Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Drilon, bagaman lahat ng gobyerno sa buong mundo ay may pork barrel, ang kaibahan ng sa Pilipinas ay ang katiwalian sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Aminado rin ang senador na ang P160 milyon na alokasyon ng bawat kongresista ay pork barrel.

Samantala, sinabi ni Drilon na maaaring hindi gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto powers para alisin ang budget insertions ng mga mambabatas.

Nauna nang nanawagan si Lacson na i-veto ni Pangulong Duterte ang budget items na umano’y pork barrel.

Read more...