Pinagkakatiwalaan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng alegasyon na “insertion” sa 2019 national budget.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang duda na may tiwala pa rin ang Pangulo sa Kalihim.
Hindi anya tinatanggal ng Malakanyang ang suporta kay Diokno.
Samantala, welcome sa Department of Budget and Management (DBM) ang subpoena mula sa Kamara para dumalo si Diokno at linawin ang ilang isyu kaugnay ng pambansang pondo ngayong taon.
Sa statement ay sinabi ng DBM na anumang subpoena ay pagkakataon na malinaw ang mga isyu hindi lamang sa publiko kundi pati sa opisyal na rekord ng Kamara.
Naglabas ang House of Representatives ng subpoena kay Diokno dahil sa patuloy nitong pag-isnab sa imbestigasyon sa national budget.
Sinabi naman ni Panelo na desisyon na ni Diokno kung dadalo ito o hindi sa House hearing.
Wala anyang pahayag si Diokno na hindi siya dadalo kundi sinabi nito na nagpaliwanag naman na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.