Kaso ng tigdas sa Europa, naging triple

By Rhommel Balasbas February 08, 2019 - 02:30 AM

Trumiple ang kaso ng tigdas sa Europa noong 2018 kumpara noong 2017 ayon sa datos ng World Health Organization (WHO).

Noong 2018, naitala ang 82,596 na kaso ng tigdas na pinakamataas sa buong dekada ayon sa WHO.

Bagaman mas napalawig ang vaccination program, sinabi ng WHO na hindi ito sapat para pigilan ang pagkalat ng sakit sa maraming bansa.

Naitala ang pinakamataas na kaso ng tigdas sa Ukraine na 10 beses na mas mataas sa ikalawang bansang nagtala ng pinakaraming kaso o ang Serbia.

Pumalo sa 53, 218 ang bilang ng kaso ng tigdas sa Ukraine, sinundan ng Serbia na may 5,076.

Ang walo pang bansa na nagtala ng pinakamaraming kaso ng tigdas ay Israel (2,919), France (2,913), Italy (2,517), Russian Federation (2,256), Georgia (2,203), Greece (2,193), Albania (1,466) at Romania (1,087).

Umabot sa 71 ang nasawi dahil sa tigdas sa Europe noong 2018 kumpara sa 42 noong 2017.

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng seryosong kumplikasyon sa baga at utak.

TAGS: europe, tigdas, WHO, World Health Organization, europe, tigdas, WHO, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.