Sinabihan ng Pangulo ang mga ito na maghanda na ng kanilang mga obituary sabay giit na ang war on drugs ang gobyerno ang magdadala sa kanila sa impyerno.
Sa kanyang talumpati sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, sinabi ng Pangulo na walang “middle ground” sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga at sa mga opisyal na sangkot dito.
“Pag ang mayor naghawak ng negosyo ng droga (If the mayor is involved in the illegal drugs trade…). Kaya kayo nakikinig kayo lahat (Listen to me), p***** i** papatayin ko talaga kayo (I will really kill you). You better write your obituary to human rights. You destroy my country, I will kill you…There’s no middle ground there and you can go to hell, for all I care,” pahayag ni Duterte.
Iginiit ni Duterte na patuloy ang paglaban ng kanyang administrasyon sa illegal drugs sa kabila ng mga batikos mula sa human rights groups.
Ilang local at international human rights groups ang tutol sa anila ay marahas na drug war ni Duterte dahil sa umanoy mga paglabag sa karapatang pantao, bagay na itinatanggi ng pamahalaan.