MRT, naglabas ng listahan ng liquid items na pwede sa tren
Nilinaw ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na may ilang liquid items na papayagan pa rin sa loob ng kanilang mga tren.
Ito ay kasunod ng samu’t saring puna ng mga pasahero dahil sa pagpapatupad ng bagong security measure patungkol sa liquid items.
Sa pahayag ng MRT-3 Huwebes ng gabi, inilabas ang listahan ng mga liquid items na papayagang maipasok basta’t sumailalim sa validation at approval ng security personnel at police officers sa mga istasyon:
- Baby formula o breast milk na nasa mga bote kung ang pasahero ay bumabyahe kasama ang isang sanggol o maliit na bata
- Inuming tubig na iinumin ng sanggol o maliit na bata
- Life-support and life-sustaining liquids tulad ng dugo at transplant organs
- Items na ginagamit para sa medical at cosmetic reasons tulad ng mastectomy products, bras o shells na may lamang gels, saline solutions at iba pa
- Gels o frozen liquids na kailangan ng mga taong may kapansanan at kondisyong medikal
Nilinaw din ng pamunuan ng MRT-3 na maaaring bawiin ng mga pasahero ang kanilang mga gamit na nakumpiska matapos itong sumailalim sa beripikasyon.
Muling nanawagan ang management sa pakikiisa at pag-unawa ng riding public sa bagong polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.