Mga batang may tigdas, siksikan sa mga kama sa San Lazaro Hospital

By Rhommel Balasbas February 08, 2019 - 01:31 AM

Credit: Dr. Susan Mercado

Dahil sa dami ng kaso ng tigdas ay kinailangan nang pagkasyahin sa isang single bed ang ilang mga sanggol sa isang ospital sa Maynila.

Sa mga larawan na ibinahagi sa Facebook ni Dr. Susan Mercado, Deputy Secretary General of Red Cross’ Centers for Health and Humanitarian Action, makikita ang kasalukuyang sitwasyon sa San Lazaro Hospital.

Credit: Dr. Susan Mercado

Makikita si Red Cross Chairman Senator Richard Gordon na tinitingnan ang lagay ng mga pasyente na nasa corridor.

Ani Mercado, dalawa hanggang tatlong bata ang pinagkakasya sa isang single bed.

Noong Miyerkules anya ng gabi ay umabot sa 237 ang pasyente mula sa 20 lungsod at munisipalidad.

Iginiit ni Mercado ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata at hinimok ang mga magulang na dalhin agad sa ospital ang mga batang magpapakita ng 3Cs o cough, conjunctivitis (red eye) at coryza (runny nose).

Payo ng doktor sa mga magulang, huwag nang hintayin pang magkaroon ng rashes ang kanilang mga anak para lang dalhin sa ospital.

Pinababawasan din ng doktor ang pakikihalubilo ng mga batang may sakit at wala at iginiit ang paggamit ng hand sanitizers, alcohol at masks.

Credit: Dr. Susan Mercado

Samantala, tiniyak ni Mercado ang kahandaan ng Red Cross na suportahan ang pangangailangan ng Department of Health (DOH).

TAGS: doh, measles outbreak, Philippine red Cross, San Lazaro Hospital, tigdas, doh, measles outbreak, Philippine red Cross, San Lazaro Hospital, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.