Tricycle driver, patay matapos paluin sa ulo ng kapwa driver sa Quezon City

By Len Montaño February 08, 2019 - 12:19 AM

Credit: Andre Supfrir

Patay ang isang tricycle driver matapos umano itong mapagtripan at hambalusin ng kahoy sa kanyang ulo sa Bago Bantay, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Nelson Santos Magbag, 31 anyos at residente ng Ilocos Sur Street.

Naganap ang insidente sa Fort Santiago Street kanto ng Ilocos Norte Street sa boundery ng Brgy. Alicia at Ramon Magsaysay noong February 5.

Sinasabing nagkaroon ng hindi pagkaunawaan ang 2 tricycle driver na nauwi sa pagtatalo.

CCTV screenshot

Kuha sa CCTV ang pangyayari kung saan mapapanood na ilang lalaki ang nagkumpulan.

Pagkatapos ay nag-aaway na ang 2 lalaki at kalaunan ay makikita na ang isa sa mga ito ay ilang beses na pinalo ang isa pa gamit ng kahoy.

Credit: Andre Supfrir

Na-comatose si Magbag at dalawang araw pang tumagal pero binawian din ng buhay araw ng Huwebes February 7.

Nabatid na isang Eliseo Florendo alyas Eli ang suspek sa krimen.

Nagtatago na ngayon ang suspek na posibleng maharap sa kasong murder.

TAGS: cctv, CCTV footage, comatose, paluin, tricycle driver, cctv, CCTV footage, comatose, paluin, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.