Nasugatan ang dalawang bumbero habang inaapula ang sunog na tumupok sa isang gusali sa barangay San Antonio sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog sa gusali ng Dexterton Corporation na pag-aari ng isang Samson Ong pasado alas 9:00 ng umaga.
Ayon sa volunteer fire group na text fire, alas 9:11 ng itinaas sa unang alarma ang sunog, alas 9:35 nang itaas sa 2nd alarm at alas 9:54 nang itaas sa 3rd alarm.
Alas 11:40 naman nang maideklarang fire out ang sunog.
Nakilala ang mga nasugatang bumbero na sina FO1 Delfin Bayutang at FO2 Vic De Vera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.