WATCH: Enrile, inaming may kaba pa rin sa 2019 polls

By Angellic Jordan February 07, 2019 - 11:31 PM

Photo grab from “Itanong mo kay Manong Johnny” program | February 4, 2019

Inanim ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na may pangamba pa rin siya kung mananalo o hindi sa darating na 2019 midterm elections.

Tumatakbo si Enrile sa pagka-senador sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Sa programang “Itanong mo kay Manong Johnny” sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 Television, ibinahagi ni Enrile na hindi nawawala ang kaniyang kaba sa lahat ng pinagdadaanang eleksyon.

Sa kabila ng pagiging isang matagumpay pulitiko, inihalimbawa ni Enrile na minsan na rin siyang nabigo na makapasok sa Senado tulad noong 1971 at 2001.

Sinabi pa ni Enrile na hindi niya tinatanong sa kaniyang mga kasamahan ang estado sa eleksyon.

Sa halip, ang kaniyang pinagbabasehan aniya sa pulso ng taumbayan ay kung paano siya sinasalubong at binabati ng mga mamamayan.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Enrile:

TAGS: 2019 election, juan ponce enrile, 2019 election, juan ponce enrile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.