Rochelle Pangilinan kumasa sa “Switch It Up” challenge kahit buntis
Walang nakapigil kay Rochelle Pangilinan sa pagsayaw kahit siya ay buntis.
Pinabilib ni Rochelle ang fans sa kanyang trending na “Switch It Up” dance challenge.
Ibinahagi ng dating Sexbomb dancer ang video ng kanyang pagsayaw kasama ang mga katrabaho sa teleseryeng “Onanay.”
Ayon kay Rochelle, hindi niya mapigilang sumayaw kaya habang naghihintay sa set ay nakatuwaan nilang gawin ang challenge.
Pero bago gawin ay nagpaalam umano si Rochelle sa kanyang doktor at pinayagan naman siyang sumayaw.
Namiss umano ni Rochelle ang pagsayaw kaya hindi raw ito mawawala sa kanyang sistema kahit pa nga malaki na ang kanyang tiyan.
Hindi naman daw siya pinalaking Sexbomb para lang isuko ang pagsasayaw.
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.