Robredo, umapela na rin sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak

By Angellic Jordan February 07, 2019 - 09:10 PM

Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas.

Naglabas ng pahayag si Robredo matapos ideklara ang measles outbreak sa Metro Manila at ilang rehiyon sa Luzon at Visayas.

Sa kaniyang video message sa YouTube, nanawagan si Robredo na bigyang-pansin sa lalong madaling panahon ang pagpapabakuna para sa kaligtasan ng buong pamilya.

Tiniyak din ng bise presidente na ligtas ang mga bakuna sa naturang sakit.

Wala aniyang dahilan para matakot sa bakuna dahil subok na nang mahabang panahon ang bisa ng bakuna nito.

Hinimok pa ni Robedo ang lahat na dapat magtulungan upang maibalik ang tiwala ng publiko sa tamang pagpapabakuna hindi lamang sa tigdas kundi maging sa iba pang nakahahawang sakit.

TAGS: tigdas, Vice Pres. Leni Robredo, tigdas, Vice Pres. Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.