Mga magulang, hinimok na pabakunahan ang mga anak vs tigdas
Kasunod ng Measles outbreak sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, umapela sa mga magulang si Kabayan Rep. Ron Salo na magtiwala sa vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Salo na hindi dapat matakot ang sambayanan sa programang pagbabakuna ng pamahalaan dahil matagal na namang subok ang bakuna laban sa tigtas.
Mga propesyunal din aniya ang gumagawa nito kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
Samantala, para naman sa mga maghihirap na pamilya na may sintomas ng tigdas ay hinikayat na magtungo sa mga ospital.
Sagot naman aniya ng PhilHealth ang gastusin para dito.
Kaugnay nito ay hiniling ni Salo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na alertuhin ang field offices sa mga rehiyong apektado ng outbreak upang maging handa ang social workers na tumulong sa pag-avail ng health insurance.
Pinaghahanda rin ang mga opisyal ng barangay para tiyaking mabibigyan ng certificate of indigency at barangay clearance ang mga pamilyang mag-aavail ng PhilHealth coverage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.