Hindi bababa sa 731 pamilya o 2,331 na indibidwal ang inilikas dahil sa pinaigting na military operation sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Sulu social welfare officer Hindun Angsa, ang mga bakwit ay mula sa Upper Latih, Bungkaung, Maligay at Sitio Kantitap sa Barangay Buhanginan.
Naging target ng pwersa ng gobyerno ang mga nasabing lugar dahil sa pinaniniwalaang presensya ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Sa ngayon, pansamantalang nananatili ang mga apektadong residente sa Lower Latih habang ang iba naman ay namamalagi sa kanilang mga kamag-anak.
Sinabi ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng 11th Infantry Division, na tutok pa rin ang tropa ng pamahalaan sa military operation para pulbusin ang mga ASG members sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.