Halos 30 kandidato sa Eastern Visayas para sa 2019 polls, humiling ng police escorts
Dalawang gobernador at apat na miyembro ng Kongreso ang kabilang sa mga kandidato sa Eastern Visayas na humiling ng dagdag-seguridad.
Sa datos ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC), umabot na sa 30 kandidato para sa May 13 elections ang humiling ng police escort dahil sa banta sa kanilang buhay.
Ang RJSCC ay kinabibilangan ng regional offices ng Commission on Elections (Comelec), Police Regional Office (PRO) sa Eastern Visayas at Philippine Army.
Ayon kay PRO-8 director Chief Superintendent Dionardo Carlos, aprubado na ang mga aplikasyon ng mga kandidato sa RJSCC level.
Ngunit aniya, kailangan pa ring itaas ang aplikasyon sa Comelec central office para maberipika bago i- deploy sa kanila ang police escorts.
Paalala ni Carlos, dalawang security personnel lamang sa bawat isang kandidato ang maaaring ipadala ng pulisya.
Sakaling mamataan na higit sa dalawa ang bodyguard, kailangang magpaliwanag ng kandidato at maaring maalis ang police escorts sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.