Pahayag ito ng Palasyo sa hirit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na i-veto ng pangulo ang umano’y nakasingit na pork barrel funds.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, umaayon ang Palasyo sa kapangyarihan ng dalawang kapulungan para makapaglaan ng kani-kanilang alokasyon gayundin naman ang pagrepaso at kapangyarihang makapag-amyenda sa usapin na may kinalaman sa pondo.
Dagdag ng kalihim, bahala na ang Kongreso na gawin ang kanilang tungkulin pero kapag may nakitang mali ang pangulo, tiyak na i-veveto niya ito.
Malinaw aniya ang polisiya ng pangulo na kinakailangan na palaging mangibawbaw ang interes ng taong bayan.