Veto power ni Duterte, gagamitin kapag may mali sa 2019 budget – Malakanyang
Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang veto power kung may makikitang mali sa kwestiyunableng pork barrel funds insertion sa 2019 national budget.
Pahayag ito ng Palasyo sa hirit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na i-veto ng pangulo ang umano’y nakasingit na pork barrel funds.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, umaayon ang Palasyo sa kapangyarihan ng dalawang kapulungan para makapaglaan ng kani-kanilang alokasyon gayundin naman ang pagrepaso at kapangyarihang makapag-amyenda sa usapin na may kinalaman sa pondo.
Dagdag ng kalihim, bahala na ang Kongreso na gawin ang kanilang tungkulin pero kapag may nakitang mali ang pangulo, tiyak na i-veveto niya ito.
Malinaw aniya ang polisiya ng pangulo na kinakailangan na palaging mangibawbaw ang interes ng taong bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.