Military pension reform bill, sesertipikahang urgent ni Duterte
Gagawing certified urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Military and Uniformed Personnel Pension Reform bill.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sesertipikahang urgent ng pangulo ang naturang panukala para mapabilis ang pag-usad sa Kongreso.
Dagdag ng kalihim, maaring nakarating sa pangulo ang reklamong may kaugnayan sa pensyon ng mga military at uniformed personnel kung kaya agad na inaksyunan ito ng punong ehekutibo.
Base sa panukala, matatanggap lamang ng isang retiree ang kanilang pension payment sa sandaling sumapit na sila sa edad 60.
Ang mandatory retirement age na itinatakda ng batas para sa mga nasa police at military service ay nasa edad 56.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.