2 Abu Sayyaf members, timbog ng NBI sa Zamboanga City

By Angellic Jordan February 07, 2019 - 08:06 PM

Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City.

Nakilala ng NBI ang mga suspek na sina Harub Jaljalis alyas “Indal” at Pinky Ani Hadjinulla.

Naaresto ang dalawa sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Basilan Regional Trial Court dahil sa Golden Harvest kidnapping noong 2001.

Nahuli si Jaljalis sa isang canteen sa Lustre corner Evangelist Street, Barangay Sta. Catalina habang si Hadjinulla naman ay sa bahagi ng Southway Mall.

Ayon kay NBI Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pinaniniwalaang miyembro ang dalawa ng ASG-Urban Terrorist Group na nakabase sa Zamboanga City.

Sinabi pa ng Anti-Terrorism Division ng NBI na gumagawa ng bomba si Jaljalis para sa Radullan Sahiron faction ng ASG

TAGS: Abu Sayyaf, Harub Jaljalis, NBI, Pinky Ani Hadjinulla, Abu Sayyaf, Harub Jaljalis, NBI, Pinky Ani Hadjinulla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.