Pagkakaroon ng motorcycle taxis, lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon February 07, 2019 - 06:44 PM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang maging legal na pampublikong transportasyon ang mga mortorsiklo.

Sa botong 181 na ‘yes’ at walang pagtutol, nakapasa ang House Bill 8959.

Kapag naging batas, aamyendahan nito ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan ipinagbabawal gamiting pampasahero ang mga pribadong motorsiklo at scooters.

Sa ilalim ng panukala, papayagan na ang ride application gaya ng Angkas o Habal-Habal.

Itinutulak ng mga kongresista na kilalanin ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng motorcycle taxis at ma-regulate ang sistema ng motorcycle for hire gaya nang ginawa sa Grab at iba pang ride hailing app.

Nauna rito, nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema noong Disyembre para patigilin ang operasyon ng Angkas.

TAGS: Angkas, habal habal, House Bill 8959, mortorsiklo, Angkas, habal habal, House Bill 8959, mortorsiklo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.