Diokno, inoobliga ng Kamara na dumalo sa pagdinig bukas

By Erwin Aguilon February 07, 2019 - 06:41 PM

Nagpalabas na ng subpoena ang House Committee on Appropriations laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno upang dumalo sa pagdinig na may kinalaman sa maanomalyang budget bukas, February 8.

Nakasaad sa subpoena na ipinadala ng Kamara kay Diokno, personal nitong pinapadalo ang kalihim upang sagutin ang mga akusasyon may kinalaman sa budget insertions.

Ipinadadala rin sa kalihim ang mga dokumento tungkol sa savings at utilization ng mga taong 2017 at 2018.

Maliban kay Diokno, ipina-subpoena rin ang Chief of Staff ng DBM na si Undersecretary Amenah Pangandaman at iba pang opisyal ng DBM gayundin ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council, at ng CT Leoncio Construction and Trading.

Si Diokno ay kinukuwestyon sa pagsisingit ng multi-bilyong piso sa national budget gayundin ang pagpabor umano sa construction company na pag-aari ng kanyang kamag-anak.

TAGS: Congress, Sec. Benjamin Diokno, subpoena, Congress, Sec. Benjamin Diokno, subpoena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.