Halos 90,000 estudyante, mabibigyan ng libreng rubber shoes sa Makati
Aabot sa 90,000 estudyante ang mapagkakaloob ng libreng “Air Binay 2.0” rubber shoes sa lungsod ng Makati.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, makakatanggap ng tig-iisang pares ng rubber shoes ang mga estudyante mula Kinder hanggang Senior High School kasama ang Special Education classes sa lungsod.
Aniya, tinupad niya ang pangakong magbigay ng bago at mas magandang disenyo nito sa naunang “Air Binay” matapos mag-trending sa social media.
Dagdag pa nito, prayoridad ng pamahalaang lungsod ang kapakanan ng mga kabataan kung kaya’t patuloy din ang pagpapalawig ng programang pang-edukasyon.
Samantala, nasa 6,000 estudyante na ang unang napagkalooban ng mga libreng sneakers.
Ito ay ang mga Kinder hanggang Grade 6 students mula sa Francisco Benitez Elementary School at Maximo Estrella Elementary School, Jose Magsaysay Elementary School, Nicanor Garcia Elementary School at Makati Elementary School.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.