LOOK: Miss Universe 2018 Catriona Gray, Kelsey Merritt dumalo sa amfAR Gala sa New York
Dinaluhan ng mga glamoroso at kilalang personalidad ang idinaos na amfAR Gala New York event ngayong taon.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt.
Ang amfAR Gala ay isang black-tie event na bahagi ng New York Fashion Week.
Sa kanilang Instagram stories, ibinahagi ng dalawa ang mga larawan sa naturang event.
Makikitang hindi nagpahuli ang dalawang Pinay beauties suot ang kanilang red off-shoulder gown para kay Catriona at silver dress naman kay Kelsey.
Sumentro ang event para bigyang-pugay ang mga indibidwal na mayroong kontribusyon sa paglaban sa Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS).
Maliban sa dalawa, namataan din sa gala sina Kim at Kourtney Kardashian, Heidi Klum, Alessandra Ambrosio at Karolina Kurkova.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.