Kamara nagpalabas ng subpoena kay Budget Sec. Benjamin Diokno
Nagpapalabas ng subpoena ang Kamara na nag-aatas kay Budget Sec. Benjamin Diokno na humarap sa pagdinig hinggil sa legalidad ng ipinatupad na obligation-based budget ng kagawaran.
Sa inilabas na subpoena ad testificandum, inatasan si Diokno na humarap sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na gagawin bukas, February 8, 2019 alas 10:00 ng umaga.
Sa ilalim naman ng subpoena duces tecum ay inaatasan si Diokno na dalhin sa pagdinig ang records ng savings and utilization para sa Fiscal Year 2017 at 2018.
Ang dalawang subpoena ay nilagdaan nina Committee Chairman Rep. Rolando Andaya Jr. at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Magugunitang ilang ulit nang inimbitahan sa nasabing pagdinig si Diokno pero hindi ito sumisipot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.