Overpricing sa food packs para sa Marawi evacuees pinabulaanan ng DSWD Region 12

By Jong Manlapaz February 07, 2019 - 11:48 AM

Mariing itinanggi ng kampo ni DSWD Region 12 Director Bai Zorahayda T. Taha na nagkaroon ng over pricing sa mga relief good na ipinamahagi sa mga bakwit ng Marawi na biktima ng giyera.

Pinabulaanan ni Atty. Jose Ledda Jr., legal council ni Director Taha ang sinampahan ng kasong plunder at graft ni Atty. Berteni Causing sa Office of the Ombudsman ang ‘di umano’y kickback na umabot sa P255 million.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Ledda sa pamamagitan ng telepono, nilinaw nito na kasama sa kwenta ng P515.00 kada food packs ang pagsupplay ng Tacurong Fitmart Mall sa point of origin to point of destination.

Iginiit rin ni Atty. Ledda na ang Central Office ng DSWD rin umano ang nagpasya hingil sa mga foods pack na pinamahagi sa mga bakwit.

Samantala, sinubukan kong kunin ang pahayag ni South Cotabato 2nd district Rep. Ferdinand Ledesma Hernandez, pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin itong tugon.

TAGS: DSWD Region 12, Marawi Food Packs, ombudsman, overpricing, Radyo Inquirer, DSWD Region 12, Marawi Food Packs, ombudsman, overpricing, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.