Ibinaba na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang alert status nito sa buong Metro Manila.
Mula sa full alert ay ibinaba sa heightened ang alert status ayon kay NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar.
Epektibo ang pag-downgrade sa alert status ngayong araw, Feb. 7.
Ito ay kasunod ng mga development sa kaso ng pagpapasabog sa Jolo cathedral kung saan limang suspek na ang sumuko at
nakasuhan na rin sila.
Una rito, idineklara ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na “sovled case” na ang Jolo bombing.
Sa kabila ng pagbaba ng alerto tiniyak ni Eleazar na mahigpit pa ring babantayan ang seguridad sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES