Mga lugar na may outbreak ng tigdas nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas February 07, 2019 - 11:27 AM

Mas dumami pa ang mga lugar na apektado ng outbreak ng tigdas.

Maliban sa National Capital Region at Region 3, may outbreak na rin ng tigdas sa ilang lugar sa Luzon, Central Visayas at Eastern Visayas ayon sa Department of Health (DOH).

As of January 26, 2019 sinabi ng Epidemiology Bureau ng DOH na nakapagtala din ng pagtaas ng kaso ng tigdas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA at Bicol region.

Sinabi ng DOH na sa NCR, nakapagtala ng 441 na bagong kaso habang 575 naman sa Calabarzon.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, idineklara ang outbreak ng tigdas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan nito.

Sinabi rin ni Duque na bubuo ang DOH ng bagong approach para mga hindi nakapagpa-bakuna kontra tigdas.

Base kasi sa datos, noong 2017, sa tinarget na 2.4 million na mga bata na mapabakunahan ay 1.9 million lamang ang nagpabakuna.

Sa taong 2018 naman, sinabi ng DOH na mayroong 950,000 na hindi nabakuhan ng panlaban sa tigdas.

Sinabi ni Duque na sapat lagi ang suplay ng bakuna ng DOH kontra tigdas kaya hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak.

TAGS: department of health, Health, Measles, outbreak, tigdas, department of health, Health, Measles, outbreak, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.