Measles alert nakataas sa buong bansa – DOH
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang measles alert sa buong bansa.
Kasunod ito ng deklarasyon ng DOH na may outbreak na ng tigdas sa buong Metro Manila at sa Region 3.
Ayon kay Health Assistant Sec. Eric Tayag, inaasahan ang pagdami pa ng kaso ng tigdas kaya minabuting itaas ang alerto.
Pinayuhan din ni Tayag ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking bukas ang kanilang health centers para sa mga nais magpabakuna.
Ito ay makaraang lumitaw sa datos na 90 percent ng mga nagka-tigdas ay walang bakuna kontra sa nasabing sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.