WATCH: Resulta ng senatorial surveys hindi big deal kay dating SP Juan Ponce Enrile

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 10:51 AM

Bukas si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga isinasagawang senatorial survey bago ang pagsapit ng eleksyon.

Sa programang Itanong mo kay Manong Johnny sa Radyo Inquirer, sinabi ni Enrile na mainam na nalalaman ng maaga kung sinu-sino ang napupusuan ng taumbayan.

Gayunman, kailangan lang aniyang tiyak na tama ang tanong at kung totoong natanong nga ang mayorya ng mga botante.

Dagdag pa ni Enrile ang totoong survey ay sa mismong araw ng eleksyon kung saan doon malalaman ang totoong resulta ng ginawang pagpili ng mga botante.

Sinabi pa ni Enrile na marami pang pwedeng mangyari at mabago mula sa araw na isinagawa ang isang survey hanggang sa mismong araw ng eleksyon.

Ibig sabihin, maari pang magbago ang isip ng mga tao sa kung sino ang kanilang ihahalal.

Paliwanag pa ni Enrile, bagaman nagbibigay ngdagdag na confidence sa kandidato kapag napapasama ito sa survey ay maari din naman itong magsilbing inspirasyon sa ibang kandidato para magsumikap pa.

TAGS: “Itanong mo kay Manong Johnny, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer, senatorial elections, “Itanong mo kay Manong Johnny, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer, senatorial elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.