Binatilyo patay matapos masagasaan ng pick-up sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 10:34 AM

Patay ang isang 15 anyos na binatilyo makaraang mabundol ng pick-up sa Echague, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagbibisikleta ang biktima na si Art Cartajera sa Barangay Garit Norte kasama ang kaibigan nya.

Nagkasagian umano ang bisikleta ng magkaibigan dahilan para mawalan ng balanse si Cartajera at napunta sa kabilang linya ng kalsada.

Sakto namang paparating ang pick up kaya nabundol ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Dinakip naman ang 64 anyos na driver ng pick up na empleyado umano ng gobyerno.

TAGS: accident, ehacgue isabela, Radyo Inquirer, accident, ehacgue isabela, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.