Bike lane sa Laguna Lake Highway binuksan na ng DPWH

DPWH Photo
Binuksan na ng Department of Public Works and Highways ang bike lane sa Laguna Lake Highway.

May haba na 5.8 kilometers bike line na opisyal na binuksan sa pangunguna ni Public Works Secretary Mark Villar sa Laguna Lake Highway na nagdudugtong sa Taytay, Rizal, Bicutan, at Taguig.

Nakabukod ang bike lane sa kalsadang dinaraanan ng mga malalaking sasakyan kaya mas ligtas ito para sa mga nagbibisikleta.

Ito ang kauna-unahang independent bike lane sa Metro Manila at may lapad na 3 metro at kayang daanan ng isang 4 wheeled vehicle kapag nasa emergency situation.

Hinihikayat din ni DPWH secretary Villar ang mga motorista na subukan ang pagbibisikleta para makatipid sa gasolina, makatipid sa oras at dagdag ehersisyo pa.

Ang Laguna Lake Highway ay may habang 10 kilometers na maaring gamiting alternatibo ng mga motorista sa EDSA at C-5.

Read more...