8 katao arestado matapos makuhanan ng CCTV ang ginawang pagpapaputok ng baril sa Malate, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 09:52 AM

Grab from Barangay CCTV

(UPDATE) Inaresto ang walong mga suspek na nagpaputok ng baril sa bahagi ng Quirino Avenue sa Malate, Maynila.

Ang mga suspek na kinabibilangan ng anim na lalaki at dalawang babae ay sakay ng tatlong kotse, bumaba at saka nagpaputok ng baril.

Ayon kay Brgy. 701 Ex-O Teresa Pasit, nakuhanan ng kanilang CCTV ang ginawa ng mga suspek.

Dahil dito, agad silang tumawag sa mga otoridad na mabilis namang nagkasa ng operasyon.

Nang mamataan ang mga kotseng kulay itim, puti at dilaw sa bahagi ng Malate, agad silang pinalibutan ng SWAT.

Todo-tanggi naman ang isa sa naarestong suspek at sinabing hindi niya alam ang nangyari.

Naninindigan siyang hindi siya ang nagpaputok ng baril bagaman malinaw sa kuha ng CCTV ang kaniyang ginawa.

Nasa Station 9 ng Manila Police District ang suspek gayundin ang tatlong sasakyang sangkot.

TAGS: manila, manila police, Quirino Avenue, Shooting Incident, manila, manila police, Quirino Avenue, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.