Pagtaas ng kaso ng tigdas sa DOH dapat isisi at hindi sa PAO – Acosta

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2019 - 09:30 AM

Sumagot si Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda Acosta sa mga paninisising ibinabato sa kaniya hinggil sa pagdami ng kaso ng tigdas sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Acosta na kung dumami ang bilang ng kaso ng tigdas, ang Department of Health (DOH) ang dapat na tanungin.

Tungkulin kasi aniya ng DOH na magsagawa ng kampanya kontra sa mga sakit dahil sila ang may malaking pondo para gawin ito.

Dagdag pa ni Acosta ang mga ibinunyag ng PAO hinggil sa Dengvaxia ay pawang katotohanan lamang.

Sinabi ni Acosta na nakapagtatakang ang kabiguan ng DOH na makagawa ng kampanya sa bakuna kontra tigdas ay sa PAO isinisisi.

Tinawag din ni Acosta na “Boy sisi” si Health Sec. Francisco Duque III.

Dapat ani Acosta ay nag-house to house visit ang DOH para ikampanya ang bakuna kontra tigdas.

Dagdag pa ni Acosta, hindi sila kailanman nanakot lalo na kung ligtas naman ang bakuna.

Sa katunayan aniya sa kanilang pamilya ay kumpleto sila sa bakuna maliban lang sa Dengvaxia.

TAGS: department of health, francisco duque, Measles, Persida Acosta, Public Attorney's Office, department of health, francisco duque, Measles, Persida Acosta, Public Attorney's Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.