Nagsimula na muli ang canvassing ng Certificate of Canvass para sa isinagawang plebisito sa Lanao Del Norte.
Alas 8:48 ng umaga nang mag-resume ang rovincial Plebiscite Board of Canvassers (PPBOC) sa Lanao Del Norte sa canvassing ng mga boto.
Umabot naman na sa 13 mula sa 22 Certificate of Canvass ang naisumite sa PPBOC.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) kailangag maisailalim lahat sa canvassing ang 22 COCs mula sa mga munisipilidad na pinagdausan ng plebisito upang makuha ang mayorya ng boto para sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES