Rice traders pinulong ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

By Chona Yu February 07, 2019 - 09:00 AM

Presidential Photo

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rice trader sa bansa sa Malakanyang, Miyerkules (Feb. 6) ng gabi.

Kasama ng mga rice traders sina Agriculture Secretary Manny Piñol, Trade Secretary Mon Lopez, Finance Secretary Sonny Dominguez at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gayunman wala pang inilalabas na detalye ang Malakanyang kung ano ang naging resulta ng pagkikupag-usap ng pangulo sa mga rice trader.

Una rito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na tinalakay sa cabinet meeting kagabi kung paano pagagandahin at mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa pati na ang pagbibigay ng credit at loan facilities

Samantala, hinarap din kagabi ng pangulo sa malakanyang ang mga Barangay Cuncilors ng ikaapt na distrito ng Quezon City.

 

TAGS: agriculture sector, Radyo Inquirer, rice traders, Rodrigo Duterte, agriculture sector, Radyo Inquirer, rice traders, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.