90% ng mga nagka-tigdas, hindi nabakunahan ayon sa DOH
90 percent ng mga tinamaan ng tigdas sa buong bansa ay hindi nabakunahan.
Ito ay base sa datos ng Department of Health (DOH) makaraang kumpirmahin na may outbreak na ng tigdas sa Metro Manila at sa Region 4.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, karamihan sa mga tinamaan ng tigdas ay edad 5 pababa, pero marami na ring may edad na ang ginagamot ngayon sa San Lazaro Hospital dahil sa sakit.
Simula noong Enero 2019, 55 na ang naitalang nasawi sa tigdas sa San Lazaro Hospital na pawang edad 3 buwan hanggang apat na taon.
Mula naman January 1 hanggang February 6 nakapagtala na ng 196 na kaso sa NCR.
Sa datos ng DOH tumaas ng 547 percent ang kaso ng tigdas sa bansa matapos makapagtala ng 5,120 na kaso mula Jan 1 hanggang Dec. 31, 2018.
Noon kasing Jan. 1 hanggang Dec. 31, 2017 ay 791 na kaso lang ang naitala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.